Ang Cash Agad ay ang financial solution ng BDO para sa mga communities na hindi naabot ng bank branches dahil sa kakulangan sa imprastraktura. Sa ngayon, halos 90% o mahigit 1,300 municipalities sa Pilipinas ang mayroong serbisyo ng Cash Agad.
“Tuloy-tuloy ang pakikipag-partner ng BDO sa MSMEs gaya ng sari-sari stores, gas stations, pharmacies, water refilling stations, at marami pang iba, para gawing mas accessible ang cash sa individuals at micro-entrepreneurs. Daan para mailapit ang basic banking services sa mga komunidad,” paliwanag ni Jaime M. Nasol, BDO senior vice president at Agency Banking head.
Halimbawa, gamit ang ATM cards, mas madaling makukuha ng BDO at BDO Network Bank account holders ang kanilang sahod o remittance mula sa kalapit na Cash Agad partner-stores na mayroong point-of-sale (P.O.S.) device. Pati ang ATM cards ng ibang bangko, pwede ring makapag-withdraw ng pera gamit ang Cash Agad.
CASH AGAD POINT-OF-SALE (P.O.S.) device. Ang bawat Cash Agad partner-store ay binibigyan ng libreng P.O.S device na nagsisilbing ATM para sa mabilis na pagwithdraw ng cash gamit ang participating BancNet ATM cards at personal identification number (PIN).
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Cash Agad, pumunta sa pinakamalapit na BDO Unibank o BDO Network Bank branch sa inyong lugar.
Maaari ring bisitahin ang BDO Unibank website kung nais mag-apply bilang Cash Agad partner-agent https://www.bdo.com.ph/personal/remittance/remittance/cash-agad. /https://www.bdo.com.ph/cash-agad-application.
Post a Comment