Nagbabala sa publiko ang nangungunang finance super app na GCash, kaisa ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), ukol sa nagkalat na pekeng social media channels na nagpapanggap na GCash. Kaugnay sa mga fake social media page o group na ito ay mga followers na magkakalat ng mga phishing links na magiging sanhi ng account takeover o pagnanakaw sa kanilang mga account.
Kadalasang gambling o gaming ang mga fraudulent accounts na ito at may mga pangalang tulad ng “GCash88 Media”, “GCash Update”, at kung anu-ano pang mga mapanlinlang na pangalan.
“We always advise the public to avoid clicking any links from unknown or suspicious senders.” (“Lagi naming pinapayuhan ang publiko na iwasang mag-click sa anumang link mula sa hindi kilala o kahina-hinalang mga nagpadala ng mensahe online,”) pahayag ni CICC executive Director Alexander K. Ramos. “Scammers used to send such links through SMS, but now they have found another platform.” (“Dati ang mga scammer ay nagpapadala ng mga link sa pamamagitan ng SMS, ngunit ngayon ay nakahanap na sila ng ibang platform,”) dagdag niya.
Nagpahayag din ng patuloy na suporta si Ramos para sa kaligtasan ng digital ecosystem sa bansa. “Our combined resources with our fellow law enforcement agencies have already traced many suspects behind these social media pages and arrested them in law enforcement operations. Let this be a stern warning to other cybercriminals out there, you will be pursued, you will be found, and you will be apprehended.” (Ang aming pinasagsamang pwersa kasama ang iba pang law enforcement agencies ang naging daan para matukoy at matunton ang mga suspek sa likod ng mga social media pages na ito. Magsilbi sana itong babala sa mga nagkalat na cybercriminals, kayo ay matutukoy at mahahanap, at kayo ay mahuhuli ng mga awtoridad,”) aniya.
Samantala, muling nagpaalala si GCash Vice President and Head of Corporate Communications Gilda Maquilan na iisa lamang ang social media page ng e-wallet. “GCash’s official pages are @gcashofficial, which is where we come out with our promos, and @wearegcash, the official corporate page of GCash, nothing else.” We believe that social media platforms are still the best means to engage our users. However, we strongly warn our users that any other profile or username is fraudulent and should be avoided.”(“Ang mga official Facebook page ng GCash ay ang @gcashofficial, kung saan kami naglalabas ng mga promo at ang @wearegcash, na siyang official corporate page ng GCash, wala nang iba pa. Naniniwala pa rin ang GCash na ang social media ay mananatiling pinaka epektibong paraan para makipag ugnayan sa aming mga users. Binabalaan po namin ang mga users na iwasan ang mga naiibang social media profiles at usernames na nagpapanggap na GCash,”) pahayag ni Maquilan.
Upang higit pang maprotektahan ang mga user laban sa mga online scam, patuloy ding nakikipagtulungan ang GCash sa mga awtoridad kabilang ang National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG). Bilang resulta, nasa mahigit apat na milyon mga fraudulent ang naipasara nito, habang nasa 810 phishing sites at 45,000 malisyosong mga post at account sa social media naman ang na-block ng awtoridad noong 2023 sa tulong ng GCash.
“We will continue to work closely with our partners from law enforcement agencies, including the PNP, NBI, CICC, and others, in tracking down scammers behind these deceptive online channels and ensuring they are pursued by the authorities.” (“Kami ay patuloy na makikipagtulungan sa aming mga partners mula sa gobyerno kabilang ang PNP, NBI, CICC, at iba pa, sa pagsubaybay sa mga scammers sa likod ng mga mapanlinlang na online channels at pagtiyak na sila ay matutugis ng mga awtoridad,”) dagdag ni Maquilan.
Muling nagpaalala ang GCash sa mga users na huwag kailanman ibahagi ang MPIN o OTP kaninuman at iwasang mag click sa mga hindi kilalang websites, emails, at messaging apps.
Para sa tulong, maaaring makipag-ugnayan sa PNP-ACG sa kanilang hotlines sa (02) 8414-1560 at sa 0998-598-8116, o sa email na acg@pnp.gov.ph.
Para isumbong ang mga scams at iba pang ilegal na gawain, maaaring ring bisitahin ng mga users ang official GCash Help Center sa help.gcash.com, o mag message kay Gigi, at i-type ang “I want to report a scam.” Pwede ring tumawag sa GCash hotline na 2882 para sa anumang katanungan at concerns.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gcash.com.ph.
Post a Comment